Pumipili na si Pangulong Arroyo ng mga bagong itatalagang commissioners sa Commission on Elections.
Tatlo na ngayon ang bakanteng puwesto sa Comelec matapos magretiro ilang buwan na ang nakakaraan sina Commissioners Florentino Tuazon Jr., at Resurrection Borra.
Noong Mayo 29 ay namatay naman si Commissioner Romeo Brawner.
Ayon kay Presidential Management Staff head Cerge Remonde, seryosong pinag-aaralan na ng Pangulo kung sino ang mga karapat-dapat na italaga sa mga nabakanteng posisyon sa Comelec.
Sinigurado pa ni Remonde na hindi na magtatagal at ihahayag ng Palasyo ang mga bagong commissioners.
Puro anya magagaling ang mga nominado na ini-screen na ngayon ng isang selection body.
Ang mga natitirang commissioners ay sina Comelec chairman Jose Melo, Rene Sarmiento, Moslemen Macarambon Sr, at Nicodemo Ferrer. (Malou Escudero)