^

Bansa

Mga may karamdaman sa Pasig kinalinga ni Eusebio

-

Inilunsad kamakalawa ni Pasig City Mayor Robert Eusebio ang kanyang Hospice Home Care Program upang arugain ang mga may kapansanan at maralitang walang kakayahang makamit ang kahit kaunting ginhawa sa buhay. 

Sinabi ng punong lungsod na inatasan niya ang lokal na health department na ilista ang lahat ng mga maralitang may malubhang karamdaman at tanungin ang mga ito kung ano ang gusto nila upang guminhawa ang kalagayan. Ayon sa mayor, nagulat siya kung gaano kasimple ang hiling ng mga maysakit, at agad niyang ipinabili ang mga ito. “Ang gusto lang nila sa buhay ay kutson, diapers, benti­ lador. Kaya ba natin silang biguin?” pahayag ng mayor.

Kasama ang maybahay na si Maribel at iba pang opisyal ng lungsod, personal na pinangunahan ni Mayor Eusebio ang pamamahagi ng mga hiling na bagay ng mga maysakit at karamihan sa tumanggap ay mga kaanak na lamang ng mga maysakit dahil hindi na makabangon ang karamihan sa mga ito.

Ang unang grupo ng mga nakatanggap ay nakamit ang kani-kanilang hiling na wheelchair, kutson, bentilador, gamot, nebulizer, diapers, saklay at walker. Sinabi ni Mayor Eusebio na magiging tuloy-tuloy na ang Hospice Program.

AYON

HOSPICE HOME CARE PROGRAM

HOSPICE PROGRAM

INILUNSAD

KASAMA

MAYOR EUSEBIO

PASIG CITY MAYOR ROBERT EUSEBIO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with