Nabunyag kahapon ang umano’y malaking scam sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan umaabot sa P10 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang dibidendo na dapat sana’y napupunta sa National Treasury.
Lumutang ito sa mga ebidensyang hawak ngayon ng House Oversight Committee na nagpapakitang posibleng niloloko ng mga opisyales ng BSP ang pamahalaan may limang taon na o mula taong 2003 hanggang 2007.
Sa House Resolution na inihain ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, intensiyunal umano ang ginagawang pag-mimisdeklara ng BSP na nagreresulta sa pagkalugi ng pamahalaan.
“The BSP for calendar years 2003, 2004, 2005, 2006 and 2007 has illegally deducted unauthorized ‘reserves’ in violation of law from its income before net profits distribution through dividend declaration and payment to the national government,” pahayag ni Rep. Villafuerte.
Ayon sa House Resolution ni Villafuerte, “substantial amounts” ang kinakatkong ng BSP na nagsisimula sa P7 bilyon na umaabot sa P10 bilyon taon-taon.
Ayon sa Oversight Committee, may ebidensiya ito na hawak na nagpapatunay na ang ikinakaltas ng BSP sa remittance sana nito sa National Treasury ay napupunta lamang “fidelity losses” o mga law firms na konektado sa ilang matataas na opisyal ng BSP, BSP medical benefit, at para “liability fund” ng mga director at opisyales nito.
Ang “fidelity losses” umano ay ang daan-daang milyong pisong pondo para pantakip sa mga pagnanakaw ng mga “natuksong” opis yales ng BSP, samantala ang tinatawag na “liability fund” naman umano ay ang daan-daang milyong pondo na ina-award para sa damages ng mga opisyales ng BSP na nang-abuso ng kapangyarihan sa pagatake sa mga pribadong bank owners at kanilang mga manager.