P1-B infra sa Caloocan tapos na
Nakumpleto na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang 260 proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalagang P1 bilyon mula nang ilahad ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang kanyang “reformation plan” sa pagdaraos ng City Development Council nitong 2006.
Sinabi ng Caloocan City Engineer’s Office (CEO) na mayroon pang 81 karagdagang proyekto ang kasalukuyan nilang tinatapos na nasa 50 hanggang 90 porsyentong gawa na.
Ayon kay Echiverri, ang kaunlaran ng lungsod ay mabibigyan lamang ng katuparan kapag may maayos na infrastructure development plan ang pamahalaan na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga residente.
- Latest
- Trending