‘Mamang Pulis’ stores tangkilikin - PNP

Hinikayat kahapon ni Philippine National Police Deputy Director General Jesus A. Verzosa ang lahat ng mga pulis na tangkilikin ang “Mamang Pulis” stores na nagbebenta ng murang pagkain.

Ayon kay Versoza, naglagay na ang PNP ng 14 “Mamang Pulis” stores sa buong bansa at limang “special stores” sa Metro Manila at ito ay bukas din sa publiko.

Sinabi ni Versoza na layunin ng hakbang na ito na matulungan ang mga PNP personnel at pamilya na apektado rin ng pag­tataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas at petrolyo.

Nakatakda ring pasina­yaan ang pagbubukas ng Souvenir Shop” at  “Saturday Tiangge” sa Camp Crame at ang  Botika ni Mamang Pulis” sa lahat ng sangay nito sa buong bansa. (Joy Cantos)

Show comments