^

Bansa

Lozada ‘di makakalabas ng Pinas

-

Malabo nang maisa­ka­tu­paran ni NBN-ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada Jr. ang kanyang planong paglabas ng bansa sa sandaling hindi siya makakuha ng protection order sa Court of Appeals (CA).

Ito ay matapos na ipag-utos kahapon ni Justice Secretary Raul Gon­zalez sa Bureau of Immigration (BI) na isailalim sa watch list si Lozada nang ihayag ng CA ang planong pangingibang bansa nito.

Iginiit ni Gonzalez na hindi basta-basta maaring lumabas ng Pilipinas si Lozada dahil may kinaka­harap pa siyang mga kontra demanda.

Bukod dito hindi pa rin umano natatapos ang imbestigasyon ng DOJ sa NBN-ZTE contract na ilang beses ng hindi sini­sipot ni Lozada.

Bukod dito maaring may madiskubre pa uma­nong impormasyon ang DOJ sa naturang imbes­tigasyon na posibleng magresulta sa paghahain ng karagdagang kaso laban kay Lozada na da­pat nitong harapin sa hu­kuman.

Napag-alaman naman mula sa Kalihim na ma­ging si  Environment and Natural Resources Sec. Lito Atienza ay magha­harap ng kasong perjury kay Lozada dahil sa pag­dawit nito sa kasong kidnapping na isinampa sa DOJ.

Matatandaan na ka­makalawa ay sinabi ni Lozada sa CA na aalis na lamang siya ng Pilipinas at ang kanyang pamilya sa sandaling hindi maka­kuha ng paborableng desisyon sa petiton for writ of amparo sa CA.

Duda rin si Lozada na imposibleng mapag­ka­looban pa siya ng protection order mula sa CA. (Gemma Amargo-Garcia)

BUKOD

BUREAU OF IMMIGRATION

COURT OF APPEALS

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SEC

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY RAUL GON

LITO ATIENZA

LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with