Amparo sa Shariah

Naghain kahapon ng petition for writ of amparo sa Supreme Court ang abogado ng Shariah District court na si Atty. Abdallah Casar bilang pro­teksyon niya, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga kliyenteng tulad ni Disomangcop Polayagan laban sa mga rebeldeng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ni Abdallah na pinag­ban­taan siyang papatayin ng MILF makaraang maipanalo niya ang kaso nina Polayagan hinggil sa lupain nito na kinukuwestyon ng mga rebelde. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments