Dahil sa sunod-sunod na krisis sa bansa tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, produktong petrolyo, at mababang sahod ng mga manggagawa, pati kalusugan ng mga bata lalo ng mga mahihirap ay naaapektuhan.
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Edgardo Angara matapos lumabas sa isang pag-aaral na 31 porsiyento ng mga batang Pilipino na nasa limang taong gulang pababa ang edad ay hindi nakakakuha ng basic health care.
Lumabas rin sa pag-aaral na tatlong beses na mas maraming namamatay na batang mahihirap kumpara sa mga mayayaman at dahil na rin sa kahirapan ay hindi naasikaso ang kanilang mga medical check-up.
Kaugnay nito, isinulong ni Angara ang panukalang batas na magbibigay o magbubuo ng Child Health Insurance Program na naglalayong bigyan ng atensyong medical ang mga bata na may edad na anim na taon pababa. (Malou Escudero)