P30-M imported sugar kuha ng PASG
Nakumpiska ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P30 milyong halaga ng imported na asukal sa isang warehouse sa Meycauayan, Bulacan.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., armado ng mission order ang kanyang mga tauhan ay sinaliksik nito ang isang sugar warehouse sa Starling com pound, Merfidian Industrial Park sa Meycauayan.
Natuklasan ng PASG na imported ang mga asukal na nakasilid sa 22,000 sako at ito ay nirere-pack sa nasabing bodega na napag-alamang pag-aari ng isang Danny Coral na wholesaler ng asukal sa Metro Manila at
Sinabi pa ni Usec. Villar, upang mabenta ni Coral ang kanyang mga smuggled na asukal ay inilalagay niya ito sa mga sako ng Central Azucarera de Bais Inc., Victorias Milling Company at First Farmers Holding Corp.
Natuklasan pa ng PASG na isang cargo van na may plakang TWG-761 ang ginagamit ni Coral sa pagdedeliver ng repacked na asukal.
Iginiit pa ni Villar, magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga illegal na sugar traders sang-ayon na rin sa kanilang memorandum of agreement ng Sugar Regulatory Administration. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending