^

Bansa

Bagong ‘low pressure area’ namataan

-

Inaasahan ang sunud-sunod na pasok ng bag­yo sa Pilipinas matapos na mamataan ang isa na namang “low pressure area” sa bahagi ng Min­doro kahit na hindi pa nakakalabas ng bansa ang bagyong si “Butchoy”.

Sa advisory ng Philip­pine Atmospheric Geo­phy­sical and Astrono­mical Services Adminis­tration (Pagasa), nama­taan si Butchoy may 980 kilometro sa silangan ng Hilagang Luzon dakong alas-2 ng madaling araw.

Taglay pa rin nito ang lakas na hangin 185 kilo­metro kada oras malapit sa gitna at may bilis na 20 kilometro kada oras patungo sa Hilaga ng ban­sa.

Namataan naman ang bagong LPA may 260 kilo­metro sa kanluran ng Mindoro. Hindi naman tiyak ng Pagasa kung magtutuluy-tuloy ito na mabuo bilang ganap na bagyo ngunit nagbabala na rin sa mga residente ng Southern Luzon, Visa­yas at Mindanao ng ma­naka-nakang pag-ulan at posibiliad ng pagguho ng lupa. (Danilo Garcia)

ASTRONO

ATMOSPHERIC GEO

BUTCHOY

DANILO GARCIA

HILAGA

HILAGANG LUZON

PAGASA

SERVICES ADMINIS

SHY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with