Malaking tulong ang plano ng mga Catholic schools sa bansa na tulungan ang mga mahi hirap ngunit matatalinong mga bata na hindi na kayang magbayad ng kanilang mga tuition fee at napipilitang ilipat ng kanilang mga magulang sa mga public schools.
Sinabi ni Monsignor Gerry Santos ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA), pag-aaralan nila kung anong mga pamamaraan ang posible nilang isagawa at isa aniya sa kanilang mga ikinukonsidera ay ang pagbibigay sa mga ito ng scholarship.
Ayon kay Santos, dahil sa patuloy na pagtaas na tuition fee at kahirapan ng buhay ay maraming mga kabataan na nag-aaral sa mga parochial schools ang napipilitang lumipat sa mga pampublikong paaralan.
At sa hirap ng buhay aniya, kahit pa mababa na ang tuition fee sa mga Catholic schools ay napipilitan pa ring lumipat ng public schools ang mga bata, habang ang mga nasa pribado ay lumilipat sa Catholic schools.
Idinepensa rin naman si Santos ang tuition fee hike ng ilang parochial schools sa bansa dahil madalang lamang anila itong gawin at kung kinakailangan lamang tulad kung magka karoon ng pagtataas ng sahod ng kanilang mga empleyado at mga guro.
Wala pa naman umano siyang hawak na impormasyon kung ilan ang Catholic schools na mag tataas na tuition fee nga-yong taon. (Doris Franche)