^

Bansa

Napocor magre-refund

-

Nakahandang magbi­gay ng “refund” ang Natio­nal Power Corporation (Napocor) kaugnay ng kinukuwestiyong isyu ng “overcharged” o sobrang singil na ipinapataw nito sa mga consumer sa singil sa kuryente.

Sa isang press statement, sinabi ng Napocor na inihahanda na nila ang pagsosoli ng P40 senti­ mos refund para sa kani­lang consumer sa Luzon at P39 sentimos naman sa mga taga-Mindanao.

Una rito, pinagpapali­wanag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Napocor hinggil sa kabiguan nito na maisu­mite ang kanilang aplikas­yon sa ilalim ng Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) at Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) mula Hulyo 2006 hanggang Marso 2008.

Ayon sa ERC, lumala­bas na nagkaroon ng over-recovery o sobrang singil ang Napocor ng P20 sentimos per kilowat-hour (kwh) o kabuuang P10 bilyon sa loob ng nabang­git na panahon.

Nakahanda naman umano ang Napocor na magpaliwanag sa ERC hinggil sa isyu.

Sa katunayan, naka­tak­­ da na rin ang pag­hahain nila ng aplikasyon para sa GRAM at ICERA subalit hinihintay lamang umano ang pinal na de­sisyon ng power board ukol dito.

Kaugnay nito, muli namang nanindigan ang Napocor na hindi sila nag-overcharged sa mga customer sa singil sa kuryente na dagdag pasakit lalo na sa mahihirap. (Joy Cantos)

ENERGY REGULATORY COMMISSION

GENERATION RATE ADJUSTMENT MECHANISM

INCREMENTAL CURRENCY EXCHANGE RATE ADJUSTMENT

JOY CANTOS

NAPOCOR

POWER CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with