Mga estudyante at magulang magra-rali vs tuition fee hike
Nagbanta ng isang malaking protesta ang mga estudyante kasama ang mga magulang sa susunod na linggo kapag nagkaroon ng pagtataas sa matrikula ngayong panahon ng enrolment.
Sinabi ni Vencer Crisostomo, chairman ng League of Filipino Students (LFS), abusado na ang malalaking mga eskwelahan dahil matagal na panahon nang sobra-sobra kung maningil ng matrikula ang mga ito.
Iginiit din ni Crisostomo ang pag-imbestiga sa mga paaralan lalo na ang mga unibersidad sa kolehiyo na aniya ay taon-taon kung magpataw ng tuition fee hike.
Nangangamba ang LFS na bumagsak ang bilang ng mga estudyanteng makapapasok sa Hunyo dahil hindi na aniya kaya pa ng mga magulang na pag-aralin pa ang kanilang mga anak dahil sa kakapusan na sa budget bunsod ng nararanasang krisis sa pananalapi.
Napupunta na aniya ang lahat ng kinikita ng isang ordinaryong pamilya sa gastusin sa mataas na presyo ng pagkain, pamasahe, tubig, kuryente at iba pang bayarin, at wala nang natitira pa para sa edukasyon ng kanilang mga anak. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending