^

Bansa

Presyo ng manok  mataas hanggang Oktubre

-

Inamin ng Department of Agriculture  na aabutin ng hanggang Oktubre ng taong ito ang pagtaas ng halaga ng mga produk­tong karne ng baboy at manok sa bansa.

Ginawa ni Agriculture Assistant  Secretary Salvador Salacup ang pagta­ta­pat na ito dahil sa na­ging pagbaba anya ng suplay ng naturang mga produkto sa bansa.

Bunsod nito, manana­tiling nasa P170 hang­gang P180 kada kilo ang presyo ng karne ng baboy samantalang P120 kada kilo ang karne ng manok.

“Nagkaroon kasi ng sakit sa major producing areas sa Region 3 and 4-A. Nagkaroon ng respiratory diseases ang biik sa lugar na nabanggit, ang karneng baboy takes six to seven months bago ma-harvest yan,” paliwa­ nag ni  Sala­cup.

Sinabi nito na ang pangyayaring ito ay naka apekto sa presyo ng manok nang mag-shift sa paggamit ng karne ng manok ng mga consumers. Anya ang karne ng manok na naibebenta sa halagang mula P110 hanggang P115 kada kilo ay naibebenta ngayon sa halagang P120 kada kilo.

Niliwanag ni Salacup na gumagawa na ng pa­raan sa ngayon ang DA kung paano mapapa­baba ang halaga ng pro­duktong karne ng manok.

Samantala, ang pres­yo naman anya ng isda at mga gulay ay nana­natiling matatag. Anihan na anya ngayon ng mga gulay mula sa mababa at patag na lupain sa bansa.

Nananatili naman an­yang naglalaro sa hala­gang P80 hanggang P90 ang kilo ng isda sa mga  palengke at iba pang pa­milihan. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE ASSISTANT

ANGIE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NAGKAROON

SECRETARY SALVADOR SALACUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with