Ayaw ng minority bloc ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na suportahan ang pagsususog sa Konstitusyon na isinusulong ni Senator Aquilino Pimentel Jr.
Ayon sa kanila, walang dapat na pagbabago sa Saligangbatas hanggang nakapuesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malacanang dahil delikado umano ito kasi baka masingitan ang gusto mangyari ng Palasyo kapag ipinursige ang nasabing Charter Change.
“Siguro dapat itong pag-usapan pagkatapos ng election,” anang ilang kongresista.
Sinabi ng ilang kongresista na dapat kunsultahin ang mamamayan tungkol dito para maging patas ang isusulong na pagbabago sa gobierno. (Butch Quejada)