^

Bansa

Pag-aresto kay Salapuddin, sinuspindi ng QC court

-

Sinuspinde ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang ipinalabas na warrant of arrest laban kay dating Basilan Congressman Gerry Salapuddin kaugnay ng pagkakasangkot nito sa naganap na pagsabog sa Batasan Pambansa nitong nakalipas na Nobyembre 2007. 

Sa ginanap na open court hearing, sinuspindi ni QC Judge Ralph Lee ng Branch 83 ang naipalabas na kautusan laban kay Salapuddin dahil may isinampang motion to recall at motion to quash ang abogado nitong si Atty. Salacnib Baterina sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong ito.

Niliwanag ni Lee na dapat munang suspindihin ang pagpapatupad ng pag-aresto kay Salapuddin habang naka-pending ang resolusyon ng korte tungkol sa naisampang mosyon ng kampo ni Salapuddin sa DOJ.

Nakasaad sa mosyon na alisin ang dating kongre­ sista hinggil sa kinasasangkutang kasong multiple murder at multiple frustrated murder na isinampa dito sa QC court. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BASILAN CONGRESSMAN GERRY SALAPUDDIN

BATASAN PAMBANSA

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUDGE RALPH LEE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SALACNIB BATERINA

SALAPUDDIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with