^

Bansa

Murang  tinapay sinimulan nang ibenta

-

Sinimulan na rin kaha­pon ang pagbebenta ng murang tinapay sa mga bagsakan centers sa mga barangay sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap, ang hakbang ay bahagi ng programa ng ahensiya na maalalayan at mabigyan ng mas murang pagkain ang taumbayan.

Kaugnay nito, sinabi ni DA Asst. Secretary Salvador Salacup na 2,000 piraso ng bread loafs o tinapay ng bayan at 1,000 piraso ng pandesal ng bayan na naka­lagay sa apat na delivery vans ang pinamama­hagi sa 16 barangay Bag­sakan Centers sa Metro Manila.

Ang loaf bread dito ay naibebenta sa halagang P37 habang ang pandesal ay P12 na may pitong piraso sa isang supot o may halagang P1.71 kada piraso.

Sa mga bakeries at iba pang regular outlets, ang bawat loaf bread ay may halagang P54 na dati ay P34 at pandesal ay may halagang P3.50 kada pira­so na dati ay P2.50 kada piraso.

Ang mga bagsakan centers ay matatagpuan sa Signal Village, Taguig; Ba­rangay 97, Caloocan; Nang­­ka, Marikina; Baesa, Commonwealth Market at Pag-asa sa Quezon City; Capri, Novaliches; Smokey Mountain, Baseco at Paco sa Manila; Camp Bagong Diwa; Fort Bonifacio; South Station sa Alabang, Muntin­lupa; Barangay San Antonio, Parañaque; Barangay 184 sa Maricaban, Pasay; at Barangay Camarin, Caloocan. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

BARANGAY CAMARIN

BARANGAY SAN ANTONIO

CALOOCAN

CAMP BAGONG DIWA

COMMONWEALTH MARKET

FORT BONIFACIO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with