Tinagubilinan kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Education na pag-ibayuhin ang paglahok ng mga paaralan sa mga internet project na magtatampok sa kagandahan ng Pilipinas.
“Pinupuri ko ang dalawang team mula sa Mountain Province Comprehensive High School na nanalo ng dalawa sa apat na top awards sa Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Schools Internet Project for 2007,” sabi ng Pangulo.
Tumagal ng anim na buwan ang contest noong 2007. Isa sa team ng MPGHS ang kasosyo sa top honor sa round 1 kasama ng Bartley Secondary School of Singapore. Ang iba pa sa team ay kasama sa top honor sa round 2 na pinanalunan din ng Maktab Sains Paduka Seri Betganwa Sultan School ng Brunei Darussalam.
Ang Team 3 ng MPGCHS ay nanalo para sa kanilang blog na patungkol sa ‘Best Places in the Philippines.’ Nanalo naman ang blog ng Team 1 nito na patungkol sa “What are the three things you would call your country unique?”