^

Bansa

SC ng Pinas pinuri ng Canada

-

Dahilan sa umano’y pagsisikap na labanan ang mga human rights violations sa bansa, pinuri kahapon ng pamahalaan ng Canada ang Korte Suprema ng Pilipinas. 

Sa isang pahinang statement ng Parliamentary Secretary to the Minister of Foreign Affairs ng Canada na si Deepak Obharai na kanyang bi­nasa sa Candian House of Commons, sinabi nito na kapuri-puri ang papel na ginagampanan ng Supreme Court (SC) ng Pili­pinas dahil sa panga­ngalaga nito sa karapa­tang pantao at sa pagha­hanap ng katarungan.

Kaagad namang nag­padala kay Chief Justice Reynato Puno ng kopya ng naturang statement si Canadian Ambassador Robert Desjardins upang ipa­batid dito na pinapa­halagahan ng pamaha­laang Canada ang mga pagsisikap nito gayundin ang patuloy na pagtutu­lungan ng dalawang ban­sa.

Nauna nang nagpaha­yag ng pagkabahala ang Canada dahil sa duma­raming bilang ng extrajudicial killings sa Pilipinas habang hindi naman na­pa­parusahan ang mga may kagagawan nito.

Ang nasabing usapin ang nagtutulak sa SC upang isagawa ang National Consultative Summit on Extrajudicial Killings and Enforced Disappearances kung saan nabuo ang pagpapatupad sa Writ of Amparo at Writ of Habeas Data na ma­aring gamitin ng mga biktima laban sa mga lumalabag sa kani­lang mga karapatan. (Gemma Amargo-Garcia)

CANADIAN AMBASSADOR ROBERT DESJARDINS

CANDIAN HOUSE OF COMMONS

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

DEEPAK OBHARAI

EXTRAJUDICIAL KILLINGS AND ENFORCED DISAPPEARANCES

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with