Malamang na kulu ngan umano ang kababagsakan ni Sen. Consuelo “Jamby” Madrigal kung patuloy nitong iisnabin ang isinasagawang preliminary investigation ng korte hinggil sa kasong isinampa laban sa kanya ng dating abogado ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo.
Kahapon ay hindi pa rin nagpakita si Madrigal sa Pasay City Prosecutors Office para sa ikalawang preliminary investigation kaugnay sa pagpalsipika umano niya ng orihinal na dokumento ng liham na may nakalagay na “copy for FG-1” sa kasagsagan ng ZTE Senate inquiry laban kay FG.
Sa reklamo ni Atty. Jesus Santos, dating abogado ni FG, sadya umanong pinalitan ni Madrigal ng FG-1F ang orihinal na kopyang FGI/IPIS upang palabasin na sa Unang Ginoo dapat mapunta ang kopya.
Sinasabing ang naturang kopya ay nakalaan kay Florante G. Igtiban ng NEDA at hindi para kay First Gentleman Arroyo. (Rose Tamayo-Tesoro)