^

Bansa

N. Ecija Gov., misis na solon inasunto sa ‘multicab scam’

-

Sinampahan ng pa­tung-patong na kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ang Gobernador at asawa nitong Congresswoman dahil sa iba’t ibang katiwalian parti­ kular na sa pagbili ng “overpriced” na multicabs.

Sa isang pulong-bali­taan sa Quezon City, naba­tid na kinasuhan ni Nueva Vice-Gov. Edward Thomas Joson si Gov. Aurelio Umali, misis nitong si 3rd District Rep. Czarina Umali, consultant Atty. Ferdinand Abesamis, Administrator Atty. Alejandro Abesamis at Edilberto Pancho, provincial treasurer.

Kabilang sa tatlong kaso ang pagbili ng 93 unit ng multi-cabs ng Nueva Ecija provincial government na nagkakahalaga ng P16.38 milyon.

Iginiit ni Joson na lub­hang “overpriced” ito dahil sa papatak na P176,000 ang bawat unit na dapat ay nag­kakahalaga lamang ng P135,000 kasama na ang rehistro sa Land Transportation Office.

Kasama rin dito si Rep. Umali na nagbigay umano ng P5 milyon sa kanyang “pork barrel” para pambili ng naturang multicabs.

Inireklamo rin ni Joson ang pagkuha sa serbisyo ng isang Edgardo Rillon bilang “provincial information officer” sa kabila na tinanggi­han ng Civil Service Commission ang appointment nito.

Ikatlong kaso ang pag­kuha sa serbisyo ni Atty. Abesamis bilang consultant ng Nueva Ecija na paglabag umano sa Local Government Code dahil una na itong nadismis sa serbisyo  noong  panahon ni Pangu­long Estrada. (Danilo Garcia)

ADMINISTRATOR ATTY

ALEJANDRO ABESAMIS

AURELIO UMALI

CIVIL SERVICE COMMISSION

CZARINA UMALI

DANILO GARCIA

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with