Umaabot sa 15,000 ina ang namamatay kada taon sa panganganak sanhi ng kawalan ng propesyunal na tutugon sa kanilang pangangailangang medical, ayon kay Sen. Pia Cayetano.
Ang nasabing problema ay idinulog ni Cayetano sa ginanap na Inter Parliamentary Union sa South Africa. Sinabi ni Cayetano na hindi maitatagong nauubos ang mga propesyunal na komadrona dahil marami sa mga ito ang piniling magtrabaho sa ibang bansa.
“Sa Visayas region, umaabot sa 17 pagamutan ang walang health workers tulad ng nurse, doctor at midwife sanhi ng medical health worker migration,” giit ni Cayetano. (Malou Escudero)