^

Bansa

‘Di ako suwapang sa mana’- Jamby

-

Itinanggi kahapon ni Senator Consuelo “Jam­by” Madrigal na nagsu-suwapang siya kaya naghahabol ng mana mula sa kanyang namatay na tiya.

Sa isang panayam matapos mapabalita noong nakaraang linggo na hindi siya pinama­nahan ng kanyang ti­yang si Consuelo “Chi­to” Madrigal-Collantes na namatay noong Mar­so 24 sa edad na 87, sinabi ni Madrigal na hindi pera ang habol niya kundi “justice” at “transparency”.

“It’s not a matter of money…I’m after justice and I’m after transparency,” ani Madrigal sa isang panayam sa se­nado.

Sinabi pa ng sena­dora na ayaw muna niyang pag-usapan ang nasabing paghahabol sa mana at magsasalita lamang siya kapag  nasa korte na ang kaso.

Ang mga naglaba­san umanong balita sa pahayagan kaugnay sa paghahabol niya ng mana ay posibleng “pr hatchet job” na kagaga­wan ng kanyang mga kamag-anak na gustong palabasin na nagha­habol siya sa pera.

Napaulat na hindi  nakatanggap ng mana ang senadora gayong nabigyan ng mana ang kanyang nakakatan­dang kapatid na si Ma. Susana Madrigal.

Pero ayon din sa ulat, nai-advance na ni Doña Chito ang kan­yang pamana kay Madrigal nang tumakbo ito sa Senado noong 2004.

Umabot umano sa P100 milyon ang nai-advance na pamana sa senadora na ginamit naman nito sa pulitika. (Malou Escudero)

CHITO

CONSUELO

ITINANGGI

MALOU ESCUDERO

SENATOR CONSUELO

SHY

SUSANA MADRIGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with