^

Bansa

Earth Day celebration plantsado na

-

Plantsado na ang mga aktibidad para sa sele­brasyon ng Earth day bukas, Abril 22.

Kabilang sa mga akti­bidad na ito ay ang libreng vehicle emission testing at libreng medical check up.

Ayon kay Environmental Management Bureau dir. Julian Amador ng DENR, layunin ng sele­bras­yon na maitaas ang kamalayan ng publiko sa lumalalang problema sa polusyon sa hangin. 

Sinabi pa ni Amador na hindi gawang biro ang ne­gatibong epekto sa kalu­sugan ng mga bata at ma­tatanda ng polusyon sa hangin.

Kabilang din ang mga driver ng mga pampubli­kong sasakyan sa nalala­gay sa balag ng alanganin ang kalusugan dahil sa maghapong pamamasada at  paglanghap ng maiitim na usok mula sa mga sa­sakyan. 

Ayon kay Amador, pina­hihina ng maruming hangin hindi lamang ang baga  kundi ang immune system. 

Kaugnay nito, hiniling din ni Amador sa mga ka­ukulang ahensiya ng pa­ma­halaan na palakasin ang mga polisiya at hak­bangin sa pagtataguyod ng tamang maintenance ng mga sasak­yan para sa pang-mata­galang  solus­yon sa proble­ma ng polus­yon sa hangin mula sa sektor ng trans­portasyon. (Angie dela Cruz)

AMADOR

AYON

ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

JULIAN AMADOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with