^

Bansa

Korupsiyon, di populasyon at bigas ang problema ng Pinas - Arch. Cruz

-

Tahasang sinabi ni Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na ang korapsyon at hindi ang populasyon at bigas ang tunay na problema ng Pilipinas.

Ayon kay Cruz, maraming pera ang Pilipinas para pondohan ang agrikultura, gayunman sa halip na sa taumbayan at mga serbisyo-publiko ay napupunta ang naturang pondo sa kamay ng mga corrupt na pulitiko. 

Nagbalik-tanaw pa ito sa pagsasabing noong araw  ay nag-e-export pa umano ang bansa ng bigas at ng iba pang agricultural products, pero ngayon hindi na ito nangyayari matapos tumindi ang korapsyon ng mga nakaupo sa pwesto.

Inihalimbawa ni Cruz ang anomalya sa P728 million fertilizer fund, kung saan sa halip na magamit na pondo para ipambili ng mga fertilizer para sa magsasaka ay napunta umano ito sa kampanya ni Pangulong Arroyo noong 2004 presidential elections.

Maging ang Quedancor’s multibillion-peso swine program na base aniya sa alegasyon ni Atty. Harry Roque Jr. ang pondo ay nagamit sa kampanya ng mga senatorial bets ng administrasyon para naman sa 2007 senatorial race.

Ani Cruz, hindi tutol ang Simbahan sa family planning, pero dapat ito ay gawin sa natural na pama­ma­raan bilang pagrespeto sa kalusugan ng ina. (Doris Franche)

ANI CRUZ

AYON

CRUZ

DORIS FRANCHE

HARRY ROQUE JR.

LINGAYEN DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with