Laban di isusuko ni Faeldon
Hindi isusuko ng puganteng si Marine Captain Nicanor Faeldon ang laban sa diumano’y talamak na korapsyon at iba pang uri ng katiwalian sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.
“I will never give up the fight. I will not be judged by a criminal syndicate masquerading as government,” ani Faeldon sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.
Sinabi ni Angeles, ang nasabing mensahe ay ipinarating sa kaniya ni Faeldon sa kanilang pinakahuling pag-uusap pero tumangging tukuyin kung paano sila nakapag-usap.
Ayon pa kay Angeles, ang patuloy na pagmamatigas ni Faeldon ay bahagi ng “civil disobedience” ng kanyang kliyente laban sa gobyerno.
“While he (Faeldon) is willing to take responsibility for any and all of his actions, he will not allow an illegitimate authority to exercise power over him,” ani Cruz-Angeles.
Si Faeldon, may patong sa ulong P1-M ay nahaharap sa kaso ng bigong coup d‚ etat noong Hulyo 27, 2003 nang sakupin ang Oakwood Premiere Hotel at siege sa Manila Peninsula Hotel noong Nobyembre 29, 2007; pawang sa Makati City. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending