Miriam, nabagok ang ulo sa b-day party ng asawa

Aksidenteng nabagok ang ulo ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ng mawalan ng panimbang habang bumaba sa stage ng EDSA Shangri-la Hotel matapos magbigay ng maikling talumpati sa kaarawan ng kanyang asawang si dating Un­dersecretary Narciso San­tiago kamakalawa.

Nabatid kay Tom To­libas, media relations officer ni Santiago, na-out of balance si Santiago kaya natumba at tumama ang ulo sa pader kaya pu­mutok.

Agad namang isinu­god si Santiago sa Cardinal Santos Medical Center at sumailalim sa Computed Tomography Scan.

Ayon pa kay Tolibas nagkaroon lamang ng minor contusion ang mam­babatas at agad na rin naman umanong nakauwi at nasa mabuti ng kala­gayan.

“She’s ok now. Her CT Scan showed no additional injuries. She’s home now and recovering,” ani Tolibas. (Malou Escudero)

Show comments