Nagpahayag kahapon ng paniniwala si Defense Secretary Gilberto Teo doro Jr. na hindi magaganap sa Pilipinas ang mga food riot sa ibang bansa.
Sinabi ni Teodoro na maayos ang seguridad ng bansa kahit merong artipisyal na krisis sa bigas.
Ginawa ng kalihim ang pahayag bilang reaksyon sa babala ni International Monetary Fund Managing Director Dominique Strauss Khan na ang paglobo ng presyo ng pagkain ay posibleng magdulot ng ‘food riot’ at hindi balanseng kalakalan.
Batay sa report, dahilan sa pagtaas ng presyo ng bigas ay nagpa-panic buying ang mga mahihirap na Pilipino kung saan pila balde sa mga outlets ng National Food Authority upang makabili ng abot kayang presyo ng bigas.
Sinabi ni Teodoro wala pang insidente na may naganap na ‘food riot’ sa kasaysayan ng Pilipinas. (Joy Cantos)