Nakatakda nang umuwi sa bansa matapos na mapalaya nitong Biyernes ang anim na Pinoy seamen na kabilang sa 30 dayuhang tripulanteng na-hostage sa Somalia nitong Abril 4.
Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Esteban Conejos na napalaya na sina Marisol Abalos, cabin stewardees, 25, ng San Mateo, Rizal; Domingo Barayang, 2nd cook, 35, ng Sta. Rosa, Laguna; Gary Caingat, waiter, 27, ng Tandang Sora, Quezon City; Gilbert Glorioso, 30, ng Antipolo City, Rizal; Alexander Hibi, utility man, 28, ng Tondo, Manila at Victor Rebanal ng Polangui, Albay. Ang mga Pinoy seamen ay pawang crew ng barkong French Le Ponant. (Joy Cantos)