Pinamamadali ng transport groups sa pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board ang pagkilos sa kanilang petisyon na humi hiling ng 50 centavos na provisional increase sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.
Ito ay giit kay LTFRB Chairman Thompson Lantion ni Boy Vargas, National President ng 1UTAK na kinabibilangan ng Altodap, Fejodap, Mjoda, Acto, Pasang Masda gayundin ang passenger bus groups.
Sinabi ni Vargas na napapanahon na para maipatupad ang provisional increase sa pasahe dahil sobrang dami ng mga bilihin ang tumaas ang presyo bukod sa katatapos na 50 sentimos na taas kada litro sa presyo ng mga produk tong petrolyo, bigas, karne at pati na rin ang pandesal ay tataas din.
Sa katunayan, umaabot na anya sa halos P200 halaga ng kita ang nawawala sa mga driver sa isang araw dahil sa naturang mga pagtaas ng bilihin at pagtaas ng presyo ng diesel na siyang gamit ng mga passenger jeepney.
Hindi na anya makatwiran ang epekto nito sa kanila kaya napapanahon na iprayoridad ng LTFRB ang pagkilos sa provisional increase sa pasahe sa jeep para naman hindi lalung maghirap ang maliliit na manggagawang driver sa bansa.