Kasalukuyang sinisi yasat ngayon ng Bureau of Immigration ang maimpluwensyang sindikato ng mga dayuhang Chinese na nagmamanipula sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.
Responsable umano ang Chinese mafia sa grabeng pagtaas sa presyo ng bigas sa nakalipas na mga araw kaya mabilis nauubos sa pamilihan ang murang bigas ng National Food Authority.
Kaugnay nito, hinahabol na rin ng BI ang sindikato ng isang Chinese national na kumikilos sa Isabela.
Ayon kay BI Commissioner Marcelino Libanan, nakatanggap sila ng ulat na isang Chinese national ang siyang may kontrol ng pagbebenta at nagmamanipula ng presyo ng bigas sa nasabing lalawigan.
Dahil dito, agad nagpadala ng grupo si Libanan sa Isabela upang imbestigahan ang nasabing mga dayuhan kung aw torisado ang mga ito na mag negosyo sa bansa.
Kaugnay nito, agad namang nagpalabas ng nationwide alert ang BI laban sa mga dayuhan na bumibili ng agricultural products na may intensiyong magtago at magmanipula ng bigas.
Sa hiwalay na panayam, sinabi kahapon ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez na alam at may basbas ni Pangulong Gloria Arroyo ang plano ng pamahalaan na kumpiskahin ang mga bodega ng mga mangangalakal na nagbantang magsasagawa ng rice holiday.
Sinabi ng kalihim na ang pagkumpiska sa mga bodega ay alinsunod sa probisyon ng 1987 Constitution na nag bibigay ng proteksyon sa kapakanan ng lahat sa panahon ng mga emergency kabilang na ang mga “artificial shortage”.
Ang take over scenario umano ay tinalakay sa Cabinet meeting noong nakaraang linggo na inaprubahan naman ng Pangulong Arroyo ang naturang opsyon.
Pinayuhan naman ng Kalihim ang mga rice dealers na pag-isipang mabuti kung igigiit nila ang banta nilang pag daraos ng rice holiday matapos na bawiin ng gobyerno ang kanilang permiso na makapag retail ng bigas.