^

Bansa

Top grads ng LP  may cash reward

-

Tatlumpung nangungu­nang estudyante mula sa mga eskwelahang ele­ment­arya hanggang kole­hiyo ng Las Piñas ang nakinabang sa cash incentive reward program ni House Committee on Higher and Technical Education Chairman Congw. Cynthia Villar.

Nagsimulang ipatupad ni Villar ang naturang pa­premyo walong taon na ang nakaraan bilang personal na regalo sa mga estudyanteng nagpunyagi sa kanilang pag-aaral. “Konting insentibo lang iyan pero alam ko na ma­rami din ang nagnanais na makatanggap nito. Kum­baga, pandagdag-inspiras­yon sa mga batang mag-aaral,” pahayag ni Villar.

Ang parangal ay kumi­kilala din sa tagumpay ng bawat estudyante sa kani­lang pag-aaral sa pama­ma­gitan ng Sipag at Tiyaga.

Nangunguna sa lista­han ng mga student achie­vers ngayong taon sina Louie Angelo Y. Coro­nel at Lavinia A. Estandarte na nagkamit ng pinaka­mataas na kara­ngalan sa Dr. Filemon Aguilar Memorial College. Tumanggap ang bawat isa ng medalya mula kay Senate President Manny Villar at cash incentives mula kay Congw. Cynthia Villar.

“Ang edukasyon pa rin ang pinakamahalagang kasangkapan ng kabataan para sa isang magandang bukas. Marapat lang na gawin natin ang ating kaunting makakaya para mahikayat silang mag-aral na mabuti,” ayon pa kay Villar. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CYNTHIA VILLAR

DR. FILEMON AGUILAR MEMORIAL COLLEGE

HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION CHAIRMAN CONGW

HOUSE COMMITTEE

LAS PI

LAVINIA A

LOUIE ANGELO Y

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with