6 kumpanya pinagmulta ng DENR
Anim na kumpanya ang pinagmulta kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources dahil sa paglabag sa batas laban sa water pollution.
Sinabi ni DENR Secretary Lito Atienza sa isang panayam na kabilang sa pinagmulta ang Pacific Cement Philippines Inc., sa Kilometer 11 sa Surigao City dahil sa pagtatapon ng maruming tubig o wastewater sa Anahaw Creek patungong Surigao River na hindi alinsunod sa pamantayan ng departamento; at ang White House Oil Mill, Inc. sa Barangay Tiguman sa Pagadian City dahil sa pagtapon ng wastewater sa Tiguma Creek ng Pagadian City. Ang una ay pinagmulta ng P160,000 samantalang ang huli ay pinagbayad ng P1.06 million.
Isa namang kumpanya sa Mandaue City, Cebu, ang Profood International Inc., ang pinagmulta ng P810,000 dahil sa pagtatapon ng wastewater sa Mantuyong Creek sa Cebu. Ang iba pang pinagmulta dahil sa paglabag sa Clean Water Act ay ang Rikio Southeast Asia Inc., isang kumpanya ng sapatos sa Brgy. Inayagan sa Naga, Cebu; SM Megamall Buildings A & B sa EDSA sa Mandaluyong City; at Euro Swiss Foods, Inc. sa San Antonio, Makati City.
“We are serious and clear with our message that no single violator will be spared from DENR’s enforcement of the environment laws, especially on water pollution,” babala ni Atienza.
- Latest
- Trending