Nakatakdang pumunta sa Estados Unidos si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada upang ipa tingin ang kanyang tuhod na matagal na niyang inaangal na sumasakit.
Ayon kay Margaux Salcedo, tagapagsalita ng dating Pangulo, sa ngayon ay inaayos na ang US visa ni Estrada at posibleng sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo aalis patungong Amerika si Erap para magpatingin kay Dr. Christopher Mow, ang surgeon na huling tumingin sa tuhod niya noong December 2004 dito sa Pilipinas.
Sa ipinalabas namang statement ni Erap, sinabi nitong kinakailangan na niyang magpatingin sa dalubhasa dahil nararamdaman na niya na mukhang lumalala na ang sakit nito sa tuhod at kailangan na umanong maagapan.
“I have pain in both knees. Though bearable, I have to seek treatment because this might get worse,” ayon sa statement ni Es trada.
Ang biyahe ni Estrada sa US ang unang pagkaka taon matapos ang walong taon. Huli nitong nabisita ang Washington D.C. sa pamamagitan ng kanyang state visit noong 2000.
Sa liham ni Mow na naka-address sa US consul and inspector, magtatagal hanggang 14 na araw depende sa test results ang check-up sa tuhod ni Estrada.
Kung masusunod ay gustong gawin ni Mow ang check-up sa kanyang clinic sa Richmond, California.
“Mr. Estrada is due to undergo extensive testing for orthopedic, heart, pulmonary, vascular and other conditions,” saad pa ng sulat ni Mow.
Si darating na Abril 18 ay 71-anyos na si Estrada. (Edwin Balasa)