Masamang epekto ng yosi pinalalagay sa kaha

Upang matakot na ang mga mamamayan na mag­sigarilyo, iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aqui­lino Pimentel Jr., ang pag­lathala ng mga negati­bong epekto nito sa mga pakete. Sa Senate Bill 2147, nais ni Pimentel na ilagay ng mga manufacturers ang lahat ng epekto nang pa­ninigarilyo na nakakasira sa kalusugan ng tao. 

Ang paggamit aniya ng mga de-kulay na larawan nito ay magsisilbing ba­ bala para sa mga nais na mani­garilyo at para ma­kumbinsi ang mga kaba­taan na tigilan na ang paninigarilyo. Sa ulat ng WHO-Global Youth Tobaco Survey, aabot sa 27% kaba­taang Pinoy may edad 13-15 ang naniniga­rilyo o 30% pag­taas sa na­kalipas na dalawang taon. (Malou Escudero)

Show comments