Solon kay Bishop Cruz: ‘Mag-sorry sa First Family’

Dapat umanong humi­ngi ng tawad si Lingayen-dagupan Archbishop Oscar Cruz sa Unang Pa­milya da­hil sa pahayag na hindi niya bibigyan ng komunyon si Pangulong Arroyo, asawa at mga anak nito dahil sila uma­no’y mga makasa­lanan. 

Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez, ang mga taong hindi bini­bigyan ng ko­munyon ay ang mga wa­lang kiniki­lalang Dios at mga tang­gal sa relihiyong Ka­ toliko.

Sinabi ni Suarez na magpupulong ang mga kongresista mula sa Southern Luzon Alliance bago magbukas ang Kamara sa Abril 21para pag-usapan ang tinuran ni Cruz na naghamon pa raw na ireklamo siya sa Vatican.

Tumanggi kasi ang ibang pinuno ng kaparian na disiplinahin si Cruz hinggil sa mga binitiwan nitong salita laban kay Pangulong Arroyo at pa­milya nito. (Butch Quejada)

Show comments