^

Bansa

US rice mapanganib?

- Nina Doris Franche at Angie Dela Cruz -

Nanawagan kahapon sa pamahalaang Arroyo ang grupong Resistance and  Solidarity Against Agrochemical TNCs (RESIST), alyansa ng may 52  orga­nisasyong magsa­saka at Kilusang Magbu­bukid ng Pilipinas (KMP) sa  publiko na huwag mu­nang bilhin ang dumating na US imported rice na ibinebenta sa P25 kada kilo ng National Food Authority (NFA).

Ayon sa RESIST at KMP, dapat munang tiya­kin ng publiko kung imported ang bigas at ligtas kainin at hindi “genetically modified” na mapanganib sa kalusu­gan.

Giit ng Alyansa, dapat maberepika kung ang variety ng bigas ay Liberty Link, dahil kung ito ay (LL)62, ang bigas na du­mating mula sa US ay GM.

Dapat umanong ikun­sidera  ang  LL62 na “plant pest” dahil kontaminado ito ng mga kemikal na mapa­nganib sa kalusugan at ang GM rice ay hindi ipinata­tanim sa buong mundo dahil ito ay nag­karoon ng universal opposition mula sa rice at food industry.

Hinimok ng RESIST at KMU ang administras­yong Arroyo na tingnan ang naturang isyu at hu­wag balewalain ang pa­nganib na dulot ng GM rice at hindi dapat umang­kat ng bigas para lamang sa “pogi points” pero ini­lalagay sa panganib ang  buhay ng mga  Pilipino.

Bukod pa sa mataas ang P25 kada kilo benta ng NFA sa US rice.

“Dapat maging ma­ingat ang bansa sa import ng bigas galing sa US . Ma­panganib na mapa­sukan tayo ng ng genetically modified rice dahil walang me­kanismo para madetect ito”pahayag ni Carl Ala, spokesman ng KMP. 

Kaugnay nito, sinabi ni Rafael  Mariano, national chair ng KMP na sinasabi  nila na ang GM rice ang tugon para maiangat ang food production  at  matu­gunan ang pangangaila­ngan ng tumataas na bilang ng populasyon pero hindi ito ang tamang solusyon.  

Noong nakaraang taon ay naghain ang environmental group Green­peace ng temporary restraining order (TRO) sa Quezon City Regional Trial Court laban sa pag­pasok sa bansa ng rice variety Liberty Link 62 (LL-62) na produkto ng Bayer Crop Science Inc. na genetically modified na panlaban sa insekto na sumisira sa palay.

LIBERTY LINK

RICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with