P60 umento igigiit
Dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas at langis, nananawagan sa pamahalaan ang Trade Union Congress of the Philippines sa pagtataas sa sahod ng mga manggagawa.
Sinabi kahapon ni TUCP Spokesman Alex Aguilar na ikinokonsidera nila ang pagsasampa ng petisyon para sa P60 dagdag sa take home pay ng mga manggagawa sa Metro
Idinagdag niya na ihahain nila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region sa susunod na dalawang linggo ang petisyon at ihahain nila sa susunod ang kahalintulad na kahilingan sa iba pang wage board sa buong bansa.
Bukod sa umento, hihilingin din nila ang tax break para sa mga minimum wage earner para makatugon ang mga ito sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. (Mayen Jaymalin)
- Latest
- Trending