RP-Japan deal magpapalala sa food shortage sa bansa
Nanawagan sa mga mambabatas ang bagong buong grupo na “No Deal” sa pamumuno ni dating Bise-Presidente Toefisto Guingona na ibasura ang Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA) na sinasabing lalong magpapalala sa problema sa pagkain ng bansa.
Ipinaliwanag ni No Deal spokesman Arnold Padilla na sa ilalim ng JPEPA, magdudulot lamang ito ng pag-eexport ng pagkaing agrikultura sa Japan sa kabila na nakakaranas ang bansa ng krisis sa bigas.
Nakapaloob umano sa JPEPA ang pag-angkat nito sa Pilipinas ng produktong dagat at agrikultura tulad ng prutas at gulay. Kasama rin sa kasunduan ang pagpayag na makapasok ang naglalakihang mga pangisdang barko ng Japan sa karagatan na sakop ng Pilipinas na magiging sanhi ng pagkatalo ng mga local na mangingisda.
Kasama rin dito ang pagbibigay umano ng pantay na karapatan sa mga Hapones na magtayo ng negosyo kumpara sa mga negosyanteng Pilipino na paglabag sa Konstitusyon na nagsasabi na maaari lamang magmay-ri ng 40% sa negosyo sa bansa ang mg dayuhan.
Iginiit ng grupo na nararapat na suportahan ng pamahalaan ang local na produksyon at local na komsumpsyon ng pagkain sa Pilipinas sa halip na ipagbili sa ibang bansa.
Nakatakdang pagbotohan ng Senado ang panuka lang batas sa JPEPA sa Abril 28 kung saan tanging sina Senador Jamby Madrigal at Pia Cayetano pa ang ang nagpahayag ng pagtutol dito. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending