Laban ng Sumilao farmers tapos na!
Nalagdaan na rin kahapon ang Memorandum of Agreement (MOA) na tatapos sa matagal ng kaso ng 144 ektaryang lupa sa Sumilao, Bukidnon na hinahabol ng mga magsasaka.
Ang kasunduan ay nilagdaan sa San Carlor Seminary Complex sa Guadalupe,
Matapos ang signing ceremony sa pagitan ng mga kinatawan ng mga magsasaka at ng San Miguel Corp. ay nagtungo ang mga Sumilao farmers sa Malacanang upang iprisinta kay Pangulong Gloria Arroyo ang kopya ng settlement agreement.
Mula sa pinagtatalunang lupain, 50 ektarya mula sa original property na 144 ektarya ang mapupunta sa mga magsasagawa, pero bibigyan pa rin sila ng 94 ektarya sa labas ng nasabing original property.
Hindi naman naitago ng mga magsasaka ang kanilang kaligayahan matapos na makamit ang kanilang ipinaglalabang lupain.
Ayon sa mga ito, malaki ang kanilang pasasalamat sa Catholic Bishops Of the Philippines (CBCP) partikular kay Cardinal Rosales upang makamit ang lupa na matagal na kanilang pinaghihirapan.
“Pasalamat kami kay Cardina Rosales. Tinulungan kami upang maibalik. Di man lahat ibinalik sa amin ang 144, pero nakakuha namin ang 50 sa 144 hectares‚ ani Rene Peña paralegal assistant ng mga Sumilao farmers.
Inaasahang mapapasakamay na ng mga Sumilao farmers ang may 50 ektarya ng lupa sa mga susunod na araw.
Nabatid kay Rosales na nagkasundo na ang SMC at ang chief executive officer nito na si Ramon Ang na ibigay sa mga kuwalipikadong magsasaka sa pamamagitan ng deed of donation ang 50 ektarya na bahagi ng 144 ektaryang lupa.
Ang Deed of Donation na ibinigay sa sa mga magsasaka ay pirmado din ng San Miguel Food Inc. (SMFI), sinasabing subsidiary ng SMC.
Ipinag-utos na rin umano ni Pangulong Arroyo sa Department of Agrarian Reform na mabilisin ang proseso sa pagdetermina ang mga kuwalipikasong benepisyaryo ng nasabing lupain. (Malou Escudero/Doris Franche)
- Latest
- Trending