Pinangunahan ng Ateneo de Manila University ang may 1,289 pumasa sa 2007 Bar Examination mula sa kabuuang 5,626 law graduates mula sa 109 law schools na kumuha ng pagsusulit noong Setyembre 2007.
Sa ipinalabas na resulta kahapon, nag-top si Mercedita L Ona mula sa Ateneo De Manila sa iskor na 83.55 percent. Sinundan siya nina Jennifer Ong mula sa UP-Diliman, 3.35; Yvanna BL Maalat, Ateneo, 82.75; Jennie C. Aclan, University of San Carlos, 82.10; John Michael F. Galauran, University of Nueva Caceres, 81.60; Karen S. Canullas, San Sebastian College, 81.40; Cecille L. Mejia, Ateneo De Manila University, 81.35; Sheryl Ann D. Tizon, UP-Diliman, 81.35; Marforth T. Fua, San Beda College, 81.20; Ruby M. Luy, Ateneo De Davao University, 81.15; Christian B. Llido, University of Cebu, 80.90 at Vivian S. Tan, UP-Diliman, 80.90.
Nakasaad sa Rules of Court na ang isang kandidato na pumasa sa examination ay kinakailangang makakuha ng general average na 75 percent sa lahat ng subjects at walang bababa sa bawat subject na 50 percent.
Base sa rekord, ang kauna-unahang bar exam ay ginanap noong 1901 kung saan 13 lamang ang examiness at ang 2008 bar examination ang siyang 107th bar exam samantalang ang 2001 bar exam ang siyang mayroong pinakamaraming bar passers na umabot sa 1,266 sa 3,849 examinees na inulan naman ng kontrobersya dahilan sa umano’y leakage sa questionnaire nito.
Kahapon pa dapat ipalabas ng Korte Suprema ang resulta subalit ipinagliban ito upang ma-double check ang mga pangalan at code number ng mga kumuha ng pagsusulit at upang matiyak na hindi nagkamali sa pagde-decode.
Samantala, hindi naman magkamayaw sa tuwa ang mga magulang at estudyante na maaga pa lamang ay naghihintay na ng resulta sa compound ng Supreme Court (SC) sa Padre Faura, Maynila. (Gemma Amargo-Garcia)