Vegenoodles pinag-aaralan

Naglaan ang Mala­cañang ng P10 milyon para sa Benguet State University para sa pag-aaral at development ng vegenoodles.

Sa kanyang pagbi­sita sa taniman ng gu­lay at strawberry sa Betag dis-trict sa La Trinidad, Ben­guet, sinabi ng Pa­ngulo na ipag-uutos niya na pag-aralan ang pag­gawa ng vegenoodles kung saan ang raw materials ay mangga­galing sa “salad bowl” ng Cordil­lera at sa “pi­nakbet bowl” ng Panga­sinan.

Ang vegenoodles ay maari umanong iben­ta sa mga Tindahan Natin.

Magiging mas ma­sustansya anya at mas masarap ang noddles na sinangkapan ng mga gulay.

Hindi ito ma­gastos sa mga manu­facturer dahil bumaba­ba ang pres­yo ng trigo. (Malou Escudero)

Show comments