Arrest order vs Ruben Reyes, 14 pulis ikakasa ng Senado

Pirmado na ni Senate President Manuel Villar ang subpoena laban kay Ruben Reyes, ang nag-broker umano ng NBN project sa ZTE Corp. ng China at sa 14 pulis na nag-escort kay Engr. Rodolfo “Jun” Lozada Jr. ng dumating ito sa bansa mula sa Hong Kong.

Tiniyak ni Villar na ika­kasa nila ang pag-aresto sa mga nabanggit kung patu­ loy na iisnabin ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Villar, dapat sagutin ng 14 na pulis ang paratang na kidnapping kay Lozada.

“Sabay-sabay kong pi­ nir­mahan ang subpoena. Sine-serve na nila ngayon iyon. Naghaha­napan pa sila. Nawawala pa iyong iba. After that, syempre wala ka­ming magagawa kundi mag-issue ng arrest order,” ani Villar.

Sinabi pa ni Villar na sa­kaling matanggap ng pamil­ya o tanggapan ni Reyes at ng mga opisyal ng PNP at NAIA ang subpoena, hindi na makapag-hihintay ang Blue Ribbon dahil obligas­yon ng Se­nado na magpala­bas ng arrest warrant kapag na­bigo silang dumalo sa ipinata­wag na pagdinig, 

Sinabi pa ni Villar na ma­rami pang saksi ang ipina­tawag ng Blue Ribbon upang tumestigo sa ZTE anomaly kabilang ang per­so­nalidad na idi­nawit ni Engr. Dante Ma­driaga sa pro­yekto. (Malou Escudero)

Show comments