^

Bansa

Total ban sa lahat ng uri ng paputok

-

Posibleng maging ma­tahimik ang pagpasok ng 2009 kung tuluyang ma­giging batas ngayong taon ang panukalang isi­nu­sulong sa Senado na naglalayong tuluyang ipagbawal na ang pag­gawa, pagbebenta at pag­gamit ng lahat ng uri ng firecrackers o paputok sa bansa.

Sa Senate Bill 2119  na inihain ni Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. noong nakaraang Mi­yerkules, sinabi nito na layunin ng kanyang panu­kala na pangalagaan ang interes, kalusugan, at kaligtasan ng mga mama­mayan na hindi pa rin napipigilang gumamit ng paputok tuwing sasapit ang Bagong Taon.

“This bill seeks to ban the manufacture, sale and use of all types of firecrackers in the highest interest of public health, public safety, order and national security,” ani Pimentel sa kanyang panukala.

Naniniwala si Pimentel na kahit pa anong gawing pag-iingat ng mga mama­mayan sa paggamit ng mga firecrackers, mala­lagay na rin sa alanganin ang kalusugan ng mga ito dahil sa pagkalat ng mga substandard at defective ng mga paputok.

Panahon na aniya para tuluyang ipagbawal ang mga paputok dahil ang materials na ginaga­mit sa paggawa nito ay katulad ng mga ginagamit sa paggawa ng bomba.

Pero maaari naman umanong magtakda ang Sanggunian ng mga siyu­dad at munisipalidad ng isang ispisipikong lugar kung saan maaaring ma­kapagsagawa ng pyrotechnic displays kung mayroong religious o public holidays pero hindi ito dapat tumagal ng mahigit sa dalawang araw.

Kung ganap na magi­ging batas, kailangang makipagtulungan sa Philippine National Police ang lahat ng mga manufacturers ng firecrackers para sa tamang disposal ng kanilang mga paputok.

Ang sinumang mahu­huli na gumagawa, nag­bebenta at gumagamit ng firecrackers at mga pyrotechnics ay papatawan ng parusang Reclusion Temporal at multang hindi hihigit sa P5 milyon. (Malou Escudero)

BAGONG TAON

MALOU ESCUDERO

MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RECLUSION TEMPORAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with