‘Gonzalez manalamin ka muna!’

Pinayuhan ni Ca­loocan Bishop Deogra­cias Iñi­guez si Justice Secretary Raul Gonzalez na tignan muna ang kan­yang sarili bago magbitaw ng anu­mang salita laban sa kan­yang kapwa.

Ayon kay Iñiguez, wa­lang karapatan si Gon­zalez na tawagin silang “ugok” dahil la­mang sa pagbatikos sa maling ginagawa ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo.     

Sinabi ni Iñiguez na da­pat na tingnan ni Gon­zalez ang sitwasyon lalo pa’t siya ang Kalihim ng Katarungan na matagal nang hinihingi ng publiko. Aniya, hingi ng publiko ang katarungan para sa kato­tohanan.      

“Mas makabubuting ting­ nan muna ni Gonzalez ang kanyang sarili sa sala­min bago pukulin ng salita ang mga obispo,” ani Iñiguez.     

Dahil dito, lalong tu­mi­tibay umano ang pa­nini­wala ni Iñiguez na posi­bleng may masa­mang ginagawa ang Pangulo kaya kaliwa’t kanan ang mga pagba­tikos dito.     

Bukod dito, lumalabas na rin ang tunay na kulay ni Gonzalez na kulay itim dahil sa mga pahayag nito.

Show comments