^

Bansa

Oplan Semana Santa ikinasa na ng PNP

-

Ikinasa na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang ipatu­tupad na security measures upang matiyak ang peace and order kaugnay ng pag­gunita sa Semana Santa sa susunod na linggo.

Sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., mahigpit na se­guridad ang ipatutupad sa mga terminal ng bus, daungan at pali­paran sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng ina­asahang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang mga biyahero sa mga lalawigan sa Mahal na Araw. 

Babantayan din ang bisinidad ng mga simba­han na dinarayo ng mga tao sa tuwing sasapit ang Semana Santa. Pag-iiba­yuhin rin ang police visibility, checkpoints hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa lahat ng itinuturing na lugar na destinasyon ng mga tu­rista dahil sa mahabang bakasyon sa trabaho at eskuwelahan. 

Sinabi ni Razon na bagaman wala naman silang natatanggap na banta ng terorismo sa Semana Santa ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras upang hindi makapagsamantala ang masasamang ele­mento. 

Nabatid na magla­lagay rin ang PNP ng mga Public Assistance booths sa kahabaan ng national highway at magpapatrul­ya sa mga residential area upang bantayan naman ang lugar laban sa mga akyat-bahay. (Joy Cantos)

ARAW

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC ASSISTANCE

SEMANA SANTA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with