P1.227T budget pirmado na!
Nilagdaan kahapon ni Pangulong Arroyo ang 2008 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P1.227 trilyon.
Inilarawan ng Pangulo ang nasabing budget na tiwala ng pamahalaan sa pag-iinvest sa taumbayan at para sa tinatawag niyang “E G’s” na ang ibig sabihin ay economy, education at environment.
Samantala, hinikayat din ng chief executive ang miyembro ng Kongreso na pagtibayin na rin nito ang Anti-Corruption Reform Act upang tuluyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan.
“To fix the corruption that still plagues our nation, we call on Congress, now that you have passed the budget, to work with us to pass a comprehensive anti-corruption reform act of 2008,” dagdag pa ni Mrs. Arroyo. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending