^

Bansa

‘Surprise witness’ bumaligtad; ikulong, sabi ni Lacson

- Ni Malou Escudero -

Tila si Senator Panfilo Lacson ang nasorpresa matapos bumaligtad at mag-iba ng testimonya ang kanyang “surprise witness” na si ZTE technical consultant Leo San Miguel na iniharap niya kahapon sa hearing ng Senado kaug­nay ng naudlot na NBN-ZTE deal.

Nabigla si Lacson nang lumihis ang pahayag ni San Miguel taliwas sa inaasahan ng mga sena­dor na kukumpirmahin nito ang naunang pahayag ng testigong si Dante Madriga na nagkaroon ng advance kickbacks na $41 milyon ang First Couple at iba pang opisyal ng gobyerno na nakaladlad sa maano­malyang NBN-ZTE deal.

“I was not aware whatsoever. I am not confirming or denying anything. I don’t have any direct knowledge,” sagot ni San Miguel nang tanungin ni Lacson kaugnay sa kickbacks.

Ayon kay Lacson, na­bigla siya sa mga biniti­wang pahayag ni San Miguel na nakausap pa umano niya noong Lunes ng alas-11 ng gabi dahil kabaligtaran umano ito ng kanilang pribadong pag-uusap.  

Inamin ni San Miguel na kinuha siya ni ZTE vice-president Yu Yong bilang technical consultant para sa broadband project, pero ikinatuwiran na limitado sa technical issues ang alam niya sa ZTE at walang ki­nalaman sa mga “advances” ang kanyang tran­saksiyon.

Pinabulaanan din ni San Miguel ang aku­ sasyon ni Madriaga na miyembro siya ng sina­sabing “Greedy Group” na kinabibilangan nina businessman Ruben Reyes, dating Comelec chairman Benjamin Abalos at retired police general Quirino dela Torre.

Sa pagtatanong na­man ni Sen. Jose “Jing­goy” Es­trada, inamin nito na si Ruben Reyes ang taong may contact sa ZTE.

Hindi sumipot sa hearing si Reyes na nagpadala na lamang ng isang sulat kung saan sinabi niyang kasalukuyan siyang nasa China.

Sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano, chairman ng Blue-Ribbon Committee na kukumpirmahin niya sa Bureau of Immigration kung umalis sa bansa si Reyes bago pa man niya matanggap ang subpoena na ipinadala ng Senado.

Sinigurado naman ni Sen. Mar Roxas na hindi ma­apektuhan ang kredi­bili­dad ng Senado kahit pina­niniwalaang buma­ligtad sa kanyang ina­asahang testi­monya si San Miguel.

Pero tumanggi si Ro­xas na magbigay ng reak­syon kung sino sa dalawa (Madriaga at San Miguel) ang nagsasabi ng totoo.

Samantala, iginiit na­man ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang tuluyang kanselasyon ng buong ZTE deal.

Ipinunto ni Escudero na ang national broadband network deal ay isa la­mang sa mga proyektong pina­sok ng gobyerno sa ZTE.

Dahil sa hindi umano pagsasabi ng totoo at pagbaligtad ng sinasa­ bing “surprise witness,” iginiit ni Lacson na i-contempt ito ng Senado at ipakulong dahil sa pag­sisinungaling.

LACSON

MIGUEL

RUBEN REYES

SAN

SAN MIGUEL

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with