Imelda lusot sa dollar salting

Matapos ang 17 taong pagdinig sa kaso, inab­suwelto ng Manila Regional Trial Court si dating Unang Ginang  Imelda Marcos sa 32 counts ng  dollar salting  sa kabila ng pag­kaka­roon niya ng  dollar accounts  na nag-uugnay sa Marcos foundation sa Switzerland.

Ayon kay Manila RTC Judge Silvino Pam­pilo ng Branch 26, nabigo ang  pro­secution na patunayan ang  pag­kakaroon ng dol­yar  sa accounts ng  mga Mar­cos na sina­sabing  may kaugna­yan sa  Mar­cos foundations.

Sinabi ni Pampilo na ang mga testigo ng ta­gausig ay hindi aw­to­risadong hu­marap sa korte upang  pa­tuna­yan ang mga doku­mentong isinumite sa korte. Ga­yundin ang  mga ebiden­siya sa dollar accounts sa Marcos foundations ay hindi  maaaring gamiting ebi­densiya.

Nabatid pa kay Pam­pilo na nabigo din ang prosecution na patuna­yan na may­roong kutsa­ba­hang nangyari sa pagka­karoon ng  dolyar ng mga Marcos.

Tiwala naman si Gng. Marcos na ma­dismis din ang iba pang kasong na­kasampa laban sa kan­yang  pa­milya. Na­batid na uma­abot sa 901 ang ka­song kinaka­harap ng pamilya Mar­cos. (Doris Franche)

Show comments