240,000 turista dumagsa sa ‘Pinas
Daan-daang libong turista ang dumagsa sa Pilipinas sa pagpasok pa amang ng 2008.
Sinabi ni Commissioner Marcelino Libanan na 21 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga dayuhan na pumupunta sa bansa kung saan may 240,603 ang dumating nito lamang Enero, mas mataas sa 227,345 ng nasabing buwan ng 2007.
Ang nasabing bilang ay yaong mga dumaan la mang sa NAIA at hindi pa kasama ang mga dumating sa Mactan,
Sinabi ni Libanan na patunay lamang na paborito ngayong pasyalan o puntahan ng mga turista ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya. Malaking bagay aniya ang pagdagsa ng mga tourist sa bansa sa ekonomiya dahil marami sa mga ito ang naglalagak rin ng negosyo sa Pilipinas. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending

















